Sharon

NAGHUHULAAN ang mga nakabasa sa announcement ni Sharon Cuneta sa Facebook na may makakasama siyang popular love team sa gagawin niyang pelikula. Pati ang kanyang makakapareha ay pinahulaan din.

Post ni Sharon: “Some happy news: Scheduled to start shooting my new movie -- my first in 6 years -- with one of your favorite partners of mine (one of mine, too!) and a popular young love team in September! Two-night ‘intimate’ concert in November! New CD/album coming up! God is good. Have a great day!”

Mas madali sanang mahuhulaan kung aling love team ang makakasama ni Sharon kung binanggit niya ang film company na gagawa ng pelikula. Kapag sa Viva Films, either sina James Reid at Nadine Lustre o kaya’y sina Andre Paras at Yassi Pressman ang makakasama niya.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Dahil wala siyang binanggit, hanggang hulaan na lang muna ang kanyang fans/followers.

Sina Ormoc City Mayor Richard Gomez and Aga Muhlach naman ang hula sa tinutukoy na favorite partner niya. 

She’s ready to be active again dahil malaki na ang kanyang ipinayat and she’s raring to work again. (NITZ MIRALLES)