Drew at Iya

SIX weeks na ang ipinagbubuntis ni Iya Villania at baby boy ang magiging panganay nila ni Drew Arellano. 

Kuwento niya sa presscon ng Season 2 ng San Miguel Purefoods Home Foodie, malakas nang sumipa ang baby nila ni Drew at nakikipag-fist bump na.

“Malikot na siya at ‘pag pinahahawakan ko kay Drew ang tummy ko, napi-feel din niya ang likot ng baby namin. Pero hindi pa naman limited ang movement ko, kaya ko pang magtrabaho. Heto nga at magkasama kami ni Drew sa San Miguel Purefoods Home Foodie Season 2. For sure, marami akong new dishes na matututunan at magagawa namin sa bahay.”

Kahayupan (Pets)

Asong inabandona sa paradahan ng tricycle noon, 'poging-pogi' na ngayon

Aminado si Iya na between her and Drew, mas marunong at masarap magluto ang asawa. Siya naman ay sa paglilinis ng bahay magaling, kaya patas lang sila. Siya na rin ang tagahugas ng pinggan at ng mga ginagamit ni Drew sa pagluluto.

Nabanggit ni Iya na “Antonio” ang first name ng baby nila na ikinagulat ni Drew. 

“Wala pa sa usapan namin na sasabihin ang name ng baby namin. I was asked kanina for the baby’s name, sabi ko wala pa, ‘tapos sasabihin pala ni Iya,” reaction ni Drew.

Galing sa pangalan ng pumanaw na ama ni Drew na si Atty. Aga ang pangalang Antonio. Ang complete name nito, saka na siguro sasabihin ‘pag malapit nang manganak si Iya.

Sa June 13, Monday pagkatapos ng Unang Hirit mapapanood sina Drew at Iya sa San Miguel Purefoods Home Foodie kasama sina Chefs Llena Tan-Arcenas, Rene Ruz at RJ Garcia. (Nitz Miralles)