Chiz at Heart

ANG cute sigurong tingnan nina Sen. Chiz Escudero at Heart Evangelista habang sabay na nanonood ng naughty rom-com series nina Heart at Dennis Trillo na Juan Happy Love Story dahil sabi ni Heart, kinukurot siya ng asawa ‘pag lambingan na nila ni Dennis ang eksena.

“Ako, ayaw kong manood ‘pag alam kong may kissing scene o bed scene kami ni Dennis, nagpi-paint na lang ako. Pero si Chiz, nanonood at tinatanong kung ano’ng airing time. Awkward ako ‘pag sabay kaming nanonood at may kissing scene.

In fairness to him, hindi siya seloso, pero kinukurot niya ako,” kuwento ni Heart.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Mag-asawa na sa story sina Heart at Dennis, kaya mas marami pa silang eksenang naglalambingan. Ibig sabihin, mas marami pang kurot ni Chiz na makukuha si Heart.

Anyway, masaya si Heart dahil nagustuhan ng viewers ang Juan Happy Love Story, nababasa niya ang comments sa social media na natatawa ang viewers at masayang matutulog dahil very light ang rom-com series. Nag-i-enjoy din si Heart at feeling niya, mahihirapan na siyang bumalik sa paggawa ng heavy drama.

Samantala, kapag walang taping, busy si Heart sa painting bilang paghahanda sa second exhibit niya for 2017. Mabili ang paintings ng aktres at sa kinikita niya rito, puwede na siyang hindi mag-artista.

“Mga 40 Birkin bags na siguro ang na-paint ko and from P60K per bag, P90k na ang charge ko, depende pa rin kung ilang days ko tatapusin ang painting sa bag. Nakaka-pressure rin, kaya ini-stop ko muna ang pagtanggap ng package (maramihang bag na dinadala sa kanya). Very supportive ang Hermes at natutuwa sila,” sabi ni Heart.

Ang presyo naman ng canvass painting naman niya ay tumatakbo mula P700,000 to P1M o over P1M (hindi nag-quote ng exact figure si Heart). Ipinakita niya ang sizes ng painting na worth P700K, P900K at P1M.

Bago matapos ang pakikipag-usap kay Heart, itinanggi niya ang tsikang hiwalay na ang parents niya dahil hindi nakikita sa social media account niya ang pictures na magkasama sila at hindi nila nakakasama ang ama sa bakasyon nila ng ina.

“It’s not true about the hiwalayan issue. Kaya hindi nakasama si Dad sa Balesin dahil ayaw niyang sumakay ng airplane, may fear of flying siya. Major event sa kanya ang travel abroad dahil takot sumakay sa eroplano. Sa kanya ko namana ang fear of flying,” pagtatapos ng aktres. (Nitz Miralles)