SHERYL CRUZ

SIMULA noong kampanyahan hanggang sa natapos ang eleksiyon, walang nabalitaan kung naresolba man o hindi ang sigalot ng magpinsang Sen. Grace Poe at Sheryl Cruz.

Hanggang ngayon, hindi pa rin nabibigyan ng pagkakataon si Sheryl na makausap nang personal ang pinsan.

Pumangatlo lang sa naglalaban-laban sa panguluhan si Sen. Poe. Nabigo ang senadora na masungkit ang pinakamataas na posisyon at may supporters ang senadora na kay Sheryl ito isinisisi.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Hindi inaasahang ng lahat na sa halip na suportahan ay agad naglabas si Sheryl ng pahayag na ikinasira ng senadora.

Aware si Sheryl na binubuhay ang naturang isyu pero ayaw na raw itong patulan ni Sheryl. Mas pinagbubuhusan daw niya ng pansin ngayon ang anak at pati na rin ang mga pamangkin niya na anak ng kapatid na si Wowie Cruz.

Dedma na rin si Sheryl at ayaw sumagot sa mga tanong kung nakipagkita ba kay Susan Roces ang inang si Rosemarie Sonora na umuwi sa Pilipinas bago ang eleksiyon. (JIMI ESCALA)