Regine Velasquez-Alcasid

BILANG Rita Villon ay kailangang magpigil si Regine Velasquez–Alcasid ng emosyon sa Poor Señorita upang maipakita ang strong personality na kanyang ginagampanan sa serye. Pero kung minsan ay hindi niya napigilang mapaluha dahil dalang-dala siya sa galing ng mga batang kaeksena niya sa serye.

“Mahal na mahal ko ang mga bata. Ang gagaling nila talaga. Alam mo ‘yung scene namin is sila iiyak, eh, di ba dapat si Rita strong, pero ‘pag iiyak na sila, mauuna pa akong naiiyak! Ang gagaling nila talaga lalo na si Ayra. Makikita mo ‘yung dedication niya,” sey ng Asia’s Songbird.
BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas