Patuloy na lumulobo ang multa ni world boxing champion at Senator-elect Emmanuel "Manny" Pacquiao habang pinag-aaralan ng Court of Tax Appeals (CTA) ang P2.2 bilyong tax assessment nito.

Tinukoy ni Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Kim Jacinto na nabigo pa rin si Pacquiao na bayaran ang penalties nito sa kanyang tax liabilities.

Aniya, wala pa rin silang natatanggap na pahiwatig o anumang hakbang mula sa kampo ni Pacquiao kaugnay ng kanyang bayarin sa buwis.

Nauna nang binanggit ng BIR na nagkaroon ng deficiency income at value-added tax si Pacquiao na aabot sa P2 bilyon sa mga laban nito sa Amerika noong 2008-2009.

National

Unemployment rate sa ‘Pinas, bumaba sa 3.9% – PSA

Depensa ni Pacquiao, binayaran na nito ang kanyang buwis sa Internal Revenue Service (IRS) sa United States.

Nililitis pa rin sa CTA ang nasabing kaso kung saan hiniling ng legal counsel ni Pacquiao na si Atty. Tranquil Salvador na iwasan ang double taxation.

Nilinaw pa ni Henares na kahit nakabimbin pa rin ang kaso ni Pacquiao sa CTA ay kinakailangan pa rin nitong bayaran ang pagkakautang bilang multa sa hindi pa nababayarang buwis. (Rommel P. Tabbad)