Mas masaya sana para sa isang 37-anyos na housewife kung mayroon siyang anak na kanyang mapaglalaanan ng napanalunang 6/42 lotto prize na P24 milyon.

At dahil wala silang anak ng kanyang asawa, sinabi ni Atty. Jose Ferdinand Rojas II, general manager ng Philippine Charity Sweepstakes (PCSO), na nagpasya na lang ang mag-asawa na tipirin ang kanilang napanalunan para sa kanilang kinabukasan.

Base sa salaysay ng solo winner mula Lapu-Lapu, Cebu, balak nilang mag-asawa na mamuhunan ng isang magandang negosyo, bumili ng bahay at lupa, at mag-impok para sa kanilang kinabukasan.

Makalipas ang halos 20 taong pagtaya sa lotto, naging miyembro na ang mag-asawa ng “millionaires’ club” nang mabunot ang kanilang winning combination na 19-37-09-07-23-02.

Usec. Castro, ‘di ikakahiya kung magkamag-anak sila ni France Castro: ‘Siya ay makatao!’

Inihayag ni Rojas na madalas na pinagbabatayan ng mag-asawa sa pagtaya ng numero ay ang araw ng kanilang kapanganakan at ng kanilang mga kaanak.

Bilang general manager ng PCSO, personal na iniabot ni Rojas ang grand prize sa mag-asawa sa punong tanggapan ng national lottery agency sa Mandaluyong City kamakailan. (Betheena Kae Unite)