Janella

UNEXPECTED para kay Janella Salvador ang napakabilis na pagpasok niya sa Be Careful With My Heart dahil nang araw pumunta siya sa ABS-CBN para makipag-meeting kay Mr. M (Johnny Manahan) upang maging parte ng Star Magic ay kasabay naman ng audition ng kilig-serye nina Richard Yap at Jodi Sta. Maria.

 

Kuwento ni Janella nang humarap sa digital presscon nila ni Elmo Magalona nitong nakaraang Martes sa 9501 Restaurant para sa launching ng teleserye nilang Born for You at ang tambalan nilang tinawag na ElNella, “Pina-audition ako ni Mr. M, sabi niya, ‘O, you try your luck downstairs’. Pagdating ko po sa baba, patapos na po ‘yung auditions and hindi pa ako marunong umarte, sobrang awkward ko pa, and hindi ko ini-expect na makukuha ko ‘yung role, and after a few days, nakuha ko ‘yung call at nalaman ko na ako ‘yung nakakuha ng role na anak ni Sir Chief daw and nagulat ako at napasigaw kasi hindi naman ako talaga magaling, alam ko ‘yung time na ‘yun talaga. So, I guess, it’s faith that brought me to where I am right now.”

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

 

Sa apat na taon ni Janella sa showbiz ay sampung programa na ang kinabilangan niya at ang solo serye niyang Oh MG! ay nag-click kaya sinugalan siya ng Regal Entertainment ng pelikulang Haunted Mansion na unexpected din ang magandang resulta sa takilya.

 

Bakit hindi agad siya nabigyan ng follow-up movie project (anim na buwan na ang nakararaan).

 

“When I was doing the movie we’re already planning for this show (Born For You). Actually this show po took so long to get together po talaga, nag-start lang kaming mag-taping March. And ang focus ko rin po talaga is mag-promote ng album,” paliwanag ni Janella.

 

Ang binabanggit na album ni Janella ay ang Mahal Kita Pero na nakasama sa Philpop Himig Handog 2014 na nanalo ng special award at maging sa Best Myx Music Video Awards.

 

Pareho niyang gusto ang pagkanta at pag-arte kaya pinagsusumikapan niyang pagsabayin ito.

 

Samantala, sa Japan shooting nakapag-bonding nang husto sina Janella at Elmo dahil inabot sila roon ng tatlong linggo. Doon nila nakilalang mabuti ang isa’t isa.

 

Ang mga nadiskubre niya sa leading man niya ay, “Marami kaming bagay na napagkasunduan like food, animals and pareho kaming mabilis makatulog. I don’t expect na magiging close kami ng ganito kaagad. Parang after Japan, sobrang naging close na kami.”

 

Close na nga, kaya tinanong si Janella kung posible ba siyang magkagusto sa tulad ni Elmo at agad namang tumango ang dalaga. ‘Yun na! Diyan na nagsisimula ‘yan, he-he....

 

Mapapanood na ang Born For You simula sa Hunyo 20, Lunes mula sa direksiyon ni Onat Diaz handog ng Dreamscape Entertainment. (REGGEE BONOAN)