LONDON (Thomson Reuters Foundation) – Itinutulak ng mga maralitang pamilya sa Pilipinas ang kanilang mga anak sa pagtatanghal ng live sex online para sa mga pedophile sa buong mundo, na inilarawan ng isang mataas na opisyal ng children's agency ng U.N. na isang uri ng "child slavery".

"There's no limits to how cruel and gross this business is - and it's a billion, billion-dollar business," sabi ni Lotta Sylwander, pinuno ng na United Nations International Children's Emergency Fund (UNICEF) sa Pilipinas.

Nananawagan siya sa mga Internet provider na "get on board" sa paglaban sa krimen at sinabi na dapat dagdagan pa ng mga money transfer center ang pagsisikap upang matukoy ang mga nang-aabuso sa pamamagitan ng pagsunod sa mga kahina-hinalang payment pattern.

Sinabi ng UNICEF na ang Pilipinas ang nangungunang source ng child pornography sa mundo at ang "epicentre of the live-stream sexual abuse trade".

Eleksyon

Giit ni Kiko: ‘Wala nang mabili ang minimum wage’

Inilarawan ni Sylwander kung paanong ang mga batang lima o anim na taon pa lamang ay pinupuwersang magtanghal ilang beses sa isang araw sa harapan ng webcam, ng tig-isang oras sa bawat pagkakataon, habang nakamasid sa online ang mga buyer sa iba’t ibang time zone.

"It's facilitated by mothers and fathers or close relatives. It may even happen in their home," dagdag niya. "It's definitely child slavery because the child has no choice."

Nagpapadala ng pera ang mga pedophile at nagbibigay ng instructions kung ano ang nais nilang makita. Sa maraming kaso ang bata ay inaabuso ng isang tao na hindi kasapi ng pamilya ngunit mayroong mga kaso na ang mga magulang mismo ang umaabuso sa kanilang mga anak o inaabuso ng mga bata ang isa’t isa.

Sinabi ni Sylwander na ang Pilipinas ay tumatanggap ng 7,000 ulat ng cybercrime bawat buwan, kalahati dito ay may kaugnayan sa child sex abuse.

"Our biggest hurdle is not the government, not the police; it's getting the Internet providers to come along and say we will help you track (and) stop this," sinabi niya sa Thomson Reuters Foundation sa isang panayam sa London.

"My biggest concern is why don't the Internet providers do more - how can the dark web continue to do what it does?"