Michael Panganiban and Edgar Allan Guzman

PAGKATAPOS ng more or less one year na paghihintay ay napapanood na rin sa wakas sa mga sinehan ang isa sa pinakaabang-abangan ng mga kaibigan naming beki rito sa Tondo, ang pelikulang Pare, Mahal Mo Raw Ako ng kaibigan naming si Direk Joven Tan na isa sa mga nagtiwala sa amin noon sa mga magasin ng Sonic Publications.

Bida sa naturang movie sina Edgar Allan Guzman at ang anak-anakan ni Katotong Jobert Sucaldito na si Michael Pangilinan.

“Thank God maipalabas na rin ang pelikulang ito sa malalaking sinehan. Akala ko talaga, eh, hindi mangyayari ito pero siyempre hindi tayo pinabayaan ng Itaas,” sey ni Direk Joven.

Human-Interest

LABUBudol? Mga artistang nahumaling sa 'Labubu craze!'

Kagaya rin ng nina Michael at Edgar, sobra ang kaba ni Direk Joven. Ipinadarasal niya na sana at matanggap at magustuhan ng moviegoers ang pelikula nila.

After this movie, ano ang susunod niyang project?

“Well, hindi ko muna iniisip sa ngayon. Naka-concentrate ako sa movie na ito. Sana nga, eh, kumita ito para hindi naman nakakahiya at may pampuhunan agad sa susunod na gagawing movie,” natawang banggit ni Direk Joven.

Isa kasi si Direk Joven sa mga namuhunan sa Pare, Mahal Mo Raw Ako kasama sina Jobert Sucaldito, Fred Sibug, Carlos Sario, Jr. at si Capt. Ernie Moya. Kasama naman cast ng movie sina Ms. Ana Capri, Matt Evans, Joross Gamboa, Nikko Seagal, Miggy Campbell and with the special participation of Ms. Nora Aunor. (Jimi Escala)