LUMULUBHA ang magulong buhay ng nakababatang kapatid ni Paris Hilton.
“The U.S. Attorneys Office was satisfied with the sentencing – 2 months was the recommendation we made in court,” kumpirmasyon ni U.S. Assistant Attorney Alexander Schwab sa ET.
“Conrad has 48 hours from noon this morning to report to jail. He has to report to the custody of the Bureau of Prisons,” dagdag ni Schwab. “The U.S. Marshals Service will arrange exactly where he will report to for his time.”
Nabanggit ng isang source sa ET na, “Conrad Hilton was in tears when the sentencing was announced. His parents were in the courtroom as well.”
Taong 2014, pinatawan si Hilton ng tatlong taong probation at 750 community service nang umaming guilty sa panunugod ng mga flight attendant sa kasagsagan ng British Airways flight mula London patungong Los Angeles. Hunyo ng sumunod na taon, kinumpirma ng mga awtoridad sa ET na si Hilton ay muling inaresto dahil sa paglabag sa mga kondisyon ng dati niyang kasintahan na si Hunter Daily.
Dahil sa kabiguang maipasa ang ilang drug test, inatasan ng judge si Hilton na pumasok sa residential substance abuse treatment program noong Enero. (ET Online)