Maine

NOTHING against Nadine Lustre as number one ngayon sa unofficial tally of votes as the Sexiest Pinay ng FHM, lalong hindi nagpa-panic ang AlDub Nation kung hindi mananalo si Maine Mendoza, tulad ng lumabas na balita. 

Nagsalita na rin ang kampo ni Jennylyn Mercado na no big deal sa sexy actress kung hindi man ito ang manalo tutal naman ay siya na ang tinanghal na sexiest last year.

Ilang fans ng AlDub ang nakausap namin at may mga natanggap din kaming tweets tungkol dito at iisa ang sagot nila, ayaw nilang sumali si Maine sa pa-contest na ito ng FHM men’s magazine.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“X sa akin. That is not the path she should be taking. Wolesome pa more.” “Kung botohan at botohan lang, mananalo siya dahil marami siyang supporters, pero hindi ko siya susuportahan dyan. #NoToMaineForFHM.” “Wholesome po.” 

“Ibigay na po natin sa iba. #TeamMARIACLARA.”

Marami pang tweets kaming natanggap na iisa ang pananaw, mas gusto nila si Maine sa mga ginagawa nito sa kalyeserye ng Eat Bulaga, sa TV commercials, at sa buong career niya. 

May nag-comment pa na tiyak na hindi rin papayag ang BF(F) nitong si Alden Richards na sumali sa paseksihan si Maine dahil napaka-conservative daw ng ka-love team niya. Katunayan, kahit sa sugod-bahay nina Maine, Jose Manalo at Wally Bayola ay gusto nitong balot si Maine sa mga isinusuot nito, lalo pa at laging napakaraming tao sa mga barangay na pinupuntahan nila araw-araw. (NORA CALDERON)