Iniimbestigahan ngayon ng pulisya ang pagkamatay ng isang teenager na ginilitan at isinilid sa sako bago itinapon sa isang bakanteng lote sa Barangay Commonwealth, Quezon City.

Inilarawan ni Batasan Police Station commander Supt. Roberto Sales ang biktima na nasa 14 taong gulang, itinali ang mga paa gamit ang alambre, ginilitan ang leeg at maraming tama ng saksak sa katawan.

Natagpuan ng mga residente ang bangkay ng biktima sa Mango St., Don Fabian Village, Bgy. Commonwealth, Quezon City.

Hinala ng pulisya na ang biktima ay pinaslang sa ibang lugar sa nasabi ring lungsod at basta na lamang itinapon ng umano’y sindikato para iligaw ang mga imbestigador.

National

First Family nagbakasyon sa Suba Beach, Ilocos Norte sa Huwebes Santo

Inaalam din ng pulisya kung may kinalaman sa ilegal na droga ang pagkakapaslang sa biktima dahil ilang pinaghihinalaang tulak ang itinumba nitong mga nakaraang araw matapos magdeklara ng all-out war si president-elect Rodrigo Duterte laban sa mga drug syndicate. - Jun Fabon