Regine Tolentino

Regine Tolentino

Ni JIMI ESCALA

PAPASOK pa lang noon sa showbiz si Regine Tolentino, isa na kami sa mga unang inimbitahan ng mommy niya sa condo unit nila sa Greenhills. Inglisera pa ang sixteen years old pa lang noon na aktres at TV host. 

Nagkaroon ng pangalan,  sumikat  at ikinasal si Regine kay Lander Vera Perez at nagkaroon sila ng dalawang anak. Pero tuluyan na silang nagkahiwalay at ngayon ay mahigit isang taon na silang nagkanya-kanyang landas. 

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Kahit anong pilit ay walang ikinuwento sa amin ang aktres at TV host sa naging dahilan ng paghihiwalay nila. Sey lang niya, nakatutulong ang pagiging busy niya sa kanyang RT Studios Ultimate Summer Workshop sa Robinsons Magnolia kaya unti-unti na niyang nakakalimutan ang sakit na dulot ng hiwalayan nila ni Lander. 

Pero nang tanungin kung willing na ba siyang buksan uli ang puso para sa panibagong pag-ibig, hindi pa sa ngayon ang sagot niya. Sobrang busy raw siya at kulang pa nga ang oras niya para sa personal at inaasikasong negosyo.

Pero inamin ni Regine na hindi imposibleng ma-in love siyang muli, pero mas makabubuti raw kung hihintayin niyang maging legal na ang lahat. Wala siyang nakikitang problema sa mga anak niya kung sakaling magkaroon siya ng panibagong karelasyon.

Bukod sa maganda ang takbo ng kanyang negosyo, sunud-sunod din ang projects ni Regine sa TV. May ginagawa siya sa Viva channel, kasama rin siya sa Panday ng TV5, sa Unang Hirit sa Channel 7 at meron ding We Will Survive sa ABS-CBN.

Samantala, bukod sa pa-summer classes sa kanyang RT Studios, may boutique din si Regine. Halos hindi rin siya nababakante dahil sunud-sunod ang mga kumukuha sa kanya para sa kanilang zumba classes. 

Kamakailan nga ay nasa Batangas si Regine sa imbitasyon ni Gov. Vilma Santos-Rectoat kasama nilang nag-ehersisyo ang mga empleyado ng Kapitolyo ng nasabing probinsiya.