Hunyo 6, 1933 nang buksan sa publiko ang unang drive-in theater na “Automobile Movie Theater” na matatagpuan sa Crescent Boulevard sa New Jersey. Pinanood ng mga drayber ang paglabas ng “Wives Beware.” Ang admission fee ay 25 sentimos bawat sasakyan, at 25 sentimos din sa karagdagang tao.
Tampok sa nabanggit na sinehan ang malalaking puno at eskrima, at kayang magpapasok ng kulang-kulang 400 sasakyan. Sinisiguro nito ang pagkakaloob ng kasiyahan sa buong pamilya, at ginagamitan ng tatlong RCA speaker para sa sounds.
Si Richard Hollingshead ang nakaisip sa pagbuo sa sinehan, bilang anak ng magy-ari ng “Whiz Auto Products Company”.
Nagkaloob naman ng suportang pinansiyal ang first cousin ni Hollingshead na si Willie Warren Smith. Ang konsepto ay pinagkalooban ng patent noong mayo 16, 1933.