Salma at mga alagang hayop  copy copy

MALAMBOT talaga si Salma Hayek pagdating sa mga hayop.

Sa kanyang pagbisita sa The Graham Norton Show nitong Biyernes, isiniwalat niya na may panahong iniligtas niya ang 30 hayop at nangako sa kanyang asawang si Francois-Henri Pinault na ititigil na niya ito. 

“I swore no more,” paliwanag ni Hayek.

Human-Interest

‘Sana all!’ Lalaking ‘pinamper’ ng apat na nail trainers, kinaaliwan!

Ngunit habang kinukunan ang isang pelikula sa Bulgaria, sinabi ng Latina actress na nasalubong niya ang isang abandonadong tuta na halos mamamatay na at hindi niya napigilan ang sarili na iligtas ito.  

“I took him and then I was terrified,” pag-amin ni Hayek. “How am I going to explain this to my husband?” 

Dumating sa puntong naisip ng 49 na taong gulang na si Hayek na “this brilliant idea to pretend that [she] was having an affair.” (Yahoo News/Celebrity)