Pinoy tourist attractions na isinusuot? Ipinagbibili na ito ngayon ng Department of Tourism (DoT) sa Russia bilang bahagi ng kampanya ng kagawaran upang makahikayat ng mas maraming turistang Russian sa bansa.

Nakipagtulungan ang DoT sa pinakamalaking apparel retailer ng Russia, ang SELA, upang mag-imprenta at magbenta ng mga pastel colored T-shirt na nagtatampok sa naggagandahang tourist attraction sa Maynila, Cebu, Bohol, at Siargao, tulad ng tarsier, whale shark, at jeepney.

Nakipagkasundo ang SELA para magbenta ng six-piece collection, tinatawag na Inspired by the Philippines, sa 400 tindahan nito sa 200 lungsod sa Russia, Kazakhstan, Kirgistan, Ukraine, at Belarus, gayundin sa online shopping website nito.

Ayon kay DoT Assistant Secretary Arturo Boncato, Jr., sa pamamagitan ng fashion ay layuning himukin ng DoT ang Russian millenials na bumisita sa Pilipinas.

Tsika at Intriga

Mommy Min, bet na bet daw si Alden para kay Kathryn?

Batay sa datos ng DoT noong 2015, nasa 35,378 Russian ang bumisita sa bansa, kumpara sa top tourist market na South Korea, na mahigit 400,000 ang dumarating sa bansa kada buwan. (Samuel Medenilla)