Tatlong komite ng Kamara de Representantes ang magsasagawa ng imbestigasyon sa pagkamatay ng limang katao, na pinaniniwalaang biktima ng drug overdose, na dumalo sa Close Up Forever Summer Concert sa Pasay City nitong nakaraang buwan.

Kasado na ang hearing ng mga komite ng Dangerous Drugs, Youth and Sports Development, at Metro Manila Development na gaganapin sa Mitra Conference Room ng Kamara, sa Lunes, 1:30 ng hapon.

“We may not pin down the culprits that caused the death of the five youngsters as this is within the purview of the police but what is more important is for us to be able to inform the public on the lethal effects of these drugs and come up with guidelines on the conduct of this activity to stave off the recurrence of this unfortunate incident,” pahayag ni Quezon City Rep. Winnie Castelo, chairman ng Metro Manila Development panel. (Ellson A. Quismorio)

Metro

Humigit-kumulang 500k deboto, dumalo sa prusisyon ng Poong Nazareno ngayong Biyernes Santo