Tukoy na ng pamunuan ng Manila Police District (MPD) ang pagkakakilanlan ng may-ari ng isang sport utility vehicle (SUV) na natagpuang abandonado sa Pandacan, Manila, na roon din nadiskubre ang 10 kilong shabu.

Sa kabila nito, tumanggi ang pamunuan ng MPD na ibunyag ang pagkakakilanlan nito upang hindi maapektuhan ang isinasagawang follow-up operation sa kaso.

Inaalam na rin umano ng awtoridad kung carnapped ba ang naturang sasakyan, isang berdeng Honda CRV na may plakang RFC-205.

Matatandaang may 10 kilong shabu, na may street value na P50 milyon, ang nakumpiska ng mga awtoridad mula sa naturang Honda CRV na natagpuang abandonado sa Zamora Interlink, sa Pandacan, nitong Huwebes ng madaling araw.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Dalawang ‘di kilalang lalaki ang namataan umanong tumatakbo palayo sa lugar bago nadiskubre ang mga shabu.

(Mary Ann Santiago)