ILANG araw na masama ang pakiramdam namin at habang nagpapahinga lang sa bahay, natutukan namin ang programang Magandang Buhay nina Karla Estrada, Jolina Magdangal at Melai Cantiveros. 

In fairness, maganda ang rapport ng tatlong host. Very Kris Aquino si Karla sa mga komento niya sa mga guest nila at pambalanse naman si Jolina Magdangal. Pero ang pinakakuwela ay si Melai. 

Bilang host, may natural gift of wit and fun si Melai at sa totoo lang ang bilis niyang mag-isip ng punchline kaya nakakatuwang panoorin ang show nila.

Last Monday ay guest nilang tatlo si Kaye Abad na malapit nang ikasal sa boyfriend niyang si Paul Jake Castillo.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Diretsahang inamin ni Kaye Abad sa naturang programa na dalawa sa naging karelasyon ang napaiyak niya, huh!

“May isang ako ‘yung nasaktan at dalawa ‘yung ako ang nakasakit,” sey ni Kaye. 

Matandaang naging karelasyon ni Kaye sina John Lloyd Cruz, Chito Miranda at Guji Lorenzana. Nakailang girlfriends na rin naman si John Lloyd, si Chito naman ay pinakasalan na si Neri Naig at may asawa na rin naman si Guji Lorenzana.

Dagdag pa ni Kaye, nahirapan siya dahil parang hindi niya matanggap na nakakasakit siya ng damdamin noon. 

“Parang ang feeling ko, eh, ang sama-sama kong tao. Pero siyempre, sabi nga nila, eh, hindi pa nila maiintindihan ‘yan ngayon na para din naman sa kanya ang desisyon mo, na mas makakabuti talaga kung hindi na,” sey ng magaling na aktres. 

Aniya pa, sa palagay niya ay limot na ng dalawa ang ginawa niya noon at pareho nang may asawa ang mga ito.

May pinagsisihan ba siya sa pangyayaring ‘yun? 

“Well, okey lang feeling ko, eh, mas makakabuti talaga ‘yung nangyaring ‘yun para sa amin,” sagot ni Kaye. 

Kuwento pa ni Kaye, nu’ng mga panahon iyon ay sobra siyang mahigpit at napakaselosa. (JIMI ESCALA)