BUENOS AIRES, Argentina (AP) - Libu-libong katao ang nagmartsa nitong Biyernes patungong Buenos Aires upang kondenahin ang karahasan laban sa kababaihan, ang pinakabagong protesta kasunod ng pagkamatay ng tatlong 12-anyos na babae sa Argentina at ang pangga-gang rape sa isang dalagita sa Brazil.

Ang protesta ay inorganisa sa social media ng grupo ng kababaihan gamit ang slogan na #NiUnaMenos, na nangangahulugang “Not one less.”

“We’re here because we want justice. Not just for us but everyone who has suffered,” pahayag ni Angelica Itati Nunez. Hawak niya ang isang T-shirt na naiimprentahan ng mga larawan ng kanyang 15-anyos na anak na babae, 6 na taong gulang na apo, at kanyang biyenan, na pinatay ng iisang lalaki noong 2012.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'