Pormal nang nagsimula kahapon sa kanyang panunungkulan bilang bagong head coach ng University of Santo Tomas men’s basketball team si Rodil Zablan para sa kampanya sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP).

Dating assistant coach ni Pido Jarencio si Zablan noong 2006 hanggang 2012 at ka- batch din sa Glowing Goldies.

Pinalitan niya si Bong dela Cruz para gabayan ang Tigers.

Sa pagsisimula ng kanyang panunungkulan, nangako itong sisikaping gawing isang competitive team ang Tigers na nawalan ng starting five sa pagtatapos nina Kevin Ferrer, Karim Abdul at Ed Daquioag, habang hindi makalalaro sina Louie Vigil at Jon Sheriff dahil ibinaba ng UAAP sa 24 na taon ang dating age limit.

Filipino Olympian Hergie Bacyadan wagi kontra Chinese kickboxer; sinungkit gintong medalya

“Though we have a relatively new line-up, I think we can still be competitive,” pahayag ni Zablan na naging assistant din ni coach Leo Isaac sa Blackwater sa PBA D -League.

“We still have three months before the next UAAP season and I think we can achieve that goal if we will work hard,” aniya.

“If work hard tiyak na me mararating kami at magagawa namin kung meron kaming disiplina at respeto sa bawat isa,” pahayag pa niya.

Inaasahan ni Zablan na mamumuno para sa kanyang koponan na binubuo halos ng mga baguhan ang mga nalabing beteranong sina Marvin Lee at Kent Lao. (Marivic Awitan)