Yasmien copy

TIYAK na excited na ang Starstruck fans na maipalabas na ang bagong afternoon prime drama series na Sa Piling ni Nanay na pagsasamahan ng batchmates ng Starstruck na sina Yasmien Kurdi, Katrina Halili at Mark Herras. Sa teaser pa lang ng serye, alam mo na kung sino ang aapihin at kung sino ang mang-aapi. 

Ready na ba si Yasmien na masaktan kay Katrina?

“Opo, ini-expect ko na ang malalakas na sampal at sabunot sa akin ni Katrina,” sagot ni Yasmien. “Kilala ko na po si Kat, siya ang tipo ng artista na totoo, totoo lahat. Okay lang naman kung iyon talaga ang dapat niyang gawin, para mas ma-feel namin pareho ang atake sa eksena. Kaya ko naman ‘yon, sanay na ako dahil laging ako ang naaapi sa mga eksena.”

Human-Interest

'Bahay Pangulo' sumailalim sa renovation; personal touch ni FL Liza

“Ako ang ‘impakta’ sa story,” natatawang wika ni Katrina. “Tiyak na magagalit sa akin ang mga fans ni Yasmien at ang mga manonood. First time ko siyang gugulpihin at nang binasa ko nga ang script, sabi ko kawawa naman sa akin si Yasmien, puro sampal, at hindi siya gaganti sa akin. Ang dami, sobrang bigat ng story.”

“Ang maganda, pare-pareho kaming magkakaibigan at komportable kaming magkakasama-sama,” sabi naman ni Mark. “Tiyak masaya ito sa set.”

Parehong mahusay umarte sina Yasmien at Katrina kaya tiyak na kering-keri nila ang kanilang roles. Pero ano naman kaya ang dahilan ng pagkagalit ng karakter ni Katrina sa karakter ni Yasmien at ano naman ang pumipigil kay Yasmien para lumaban? At si Mark, ano ang magiging kasalanan niya kina Yasmien at Katrina?

Kung hindi kami nagkakamali, malapit na ring mapanood ang Sa Piling ni Nanay. Ito ang ipapalit sa magtatapos nag Hanggang Makita Kang Muli nina Bea Binene at Derrick Monasterio. (NORA CALDERON)