Eva at Victoria copy new

NAROON si Victoria Beckham upang alalayan si Eva Longoria habang suot nito ang kanyang nilikhang wedding gown nitong nakaraang linggo.

Sa pamamagitan ng Instagram, ibinahagi ng dating Spice Girl, 42, ang dalawa sa wedding day flicks na makikitang inaalalayan niya ang napakagandang bride habang naghahanda para lumakad sa altar.

“@evalongoria the most beautiful bride. I am honored to have created your wedding dress X Thank you for asking me!!!

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

X We love u!” paglalarawan ni Beckham sa litrato.

Sa nasabing larawan, nakatayo si Beckham sa likod ni Longoria, 41, habang isinasara nitong mabuti ang zipper ng gown, na sinamahan ng side-swept curls. 

Sa isa pang litrato, tinutulungan ni Beckham ang dating Desperate Housewives star sa pagsuot ng kanyang sapatos. 

“@evalongoria #friends x VB,” caption ni Beckham sa litrato.

Ikinasal si Longoria kay José Antonia Bastón sa lakeside town ng Valle de Bravo, Mexico sa maaraw na seremonya.

Maraming artistang dumalo sa kanilang pag-iisang dibdib kasama na rito sina Ricky Martin, Mario Lopez, Melanie Griffith, at Victoria at David Beckham. 

“Eva just looked so happy,” pahayag ng source sa People. “She didn’t seem the least stressed about her wedding. You could tell that she very much enjoyed celebrating her special day with friends.” (People.com)