Xian at Kim copy

FOLLOW-UP ito sa sinulat namin tungkol sa nalalapit na pamamaalam ng seryeng The Story of US nina Kim Chiu at Xian Lim. Ayon sa nakausap naming taga-Dos ay hindi naman daw iniklian ang serye.

“Sixteen weeks run (airing) lang talaga ‘yun,” sabi ng source. “Mag-i-air na kasi ang The Voice kasama si Kim at hindi niya kakayanin dahil araw-araw ang taping ng Story of Us, plus may concert pa si Xian at magkaka-movie pa sila.”

Itinanong namin kung bakit pinalitan ni Direk Cathy Garcia Molina si Direk Richard Somes.

Human-Interest

'Bahay Pangulo' sumailalim sa renovation; personal touch ni FL Liza

“Napagod si Direk Richard kasi araw-araw ang taping, nag-rest muna.”

Akala namin ay anim na buwan ang airing ng TSOU dahil ganito naman ang sistema sa ABS-CBN na kapag mataas ang ratings ay nai-extend, kaya tiyak na malulungkot ang KimXi fans dahil ang tagal nilang naghintay ng serye ng idolo nila ‘tapos 16 weeks lang pala mapapanood.

Abangan na lang din ng supporters nina Kim at Xian ang nalalapit na concert ng aktor sa Kia Theater sa Hulyo at ang gagawin nilang pelikula.

As of now, panoorin muna si Kim sa The Voice, na sa totoo lang aliw kami sa kanya at ang ganda ng mga porma niya, kudos sa stylist ng aktres. (REGGEE BONOAN)