Keanna copy copy

HINTAYIN natin kung sino ang unang pipiyok at magde-deny kina Luis Manzano, John Prats, Cogie Domingo, Joseph Bitangcol, Jake Cuenca at Jay Manalo sa isiniwalat ni Keanna Reeves sa podcast ni Mo Twister na Goodtimes With Mo na naka-sex sila ng dating sexy star.

Karamihan ay one night stand lang daw at sa kaso ni John ay sa restroom ng 13th floor ng ABS-CBN nangyari. May mga reporter na gustong ma-interview si John at si Isabel Oli na rin lalo’t bagong panganak ito.   

Sa kaso ni Luis, sinabi ni Keana na nagtampo sa kanya ang TV host nang magpa-interview siya at na-blind item niya si Luis dahil kahit BI, nahulaan pa rin na ang TV host/actor ang kanyang tinutukoy.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Nasa mood magsalita si Keanna at may dagdag na kuwento pa nga sa kanila ni Luis na ayaw naming isulat at baka magkaroon ng isyu, masabit pa kami. Basta hihintayin namin ang reaction dito ni Luis.

Iyong sa kanila ni Cogie, umabot daw ng ilang months at nagkaroon sila ng mutual understanding o MU. Kay Cogie raw siya nag-enjoy nang husto dahil may halong pagmamahal.

At least, iba naman ang narinig natin kay Keanna, hindi puro galit na nangyari sa isyu sa kanila ni Prince Stefan.

(NITZ MIRALLES)