JANINE copy

‘KATUWA si Lotlot de Leon na kinikilig din sa tambalan ng anak na si Janine Gutierrez at si Aljur Abrenica. Ipinost ni Lotlot sa Instagram ang picture na kuha niya sa dalawa sa TV sa drama soap nilang Once Again.

Ang eksena, nakaupo sina Aljur at Janine sa bubong ng bahay kunwari ng pamilya ni Janine at ang caption ni Lotlot ay, “Cute nyo.”

May nag-comment na fan ni Janine na sana ito naman ang mag-post ng picture ng ina na kuha sa sexy rom-com series na Juan Happy Love Story dahil nakakakilig din ang tambalan nina Lotlot at Gardo Versoza. May halong comedy ang mga eksena nina Gardo at Lotlot na lalong nagpapasaya sa kanilang mga eksena.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Samantala, natanong si Janine tungkol sa boyfriend ni Lotlot at kung handa na ba silang magkakapatid sakaling mag-asawa uli ang kanilang ina.

“Noong una talagang nagseselos kami nang magkaroon ng boyfriend si Mama,” sagot ni Janine. “Nasanay kami o ako na kami lang ang magkakasama. Nu’ng magka-boyfriend si Mama, siyempre may bagong tao sa buhay namin, ‘tsaka siyempre protective rin kami sa kanya. Gusto naming siguraduhin na okay talaga ‘tong tao na ito para sa kanya. Pero nu’ng nakilala namin siya, talagang okay pala siya. Mabait siya at maalaga. ‘Tsaka masaya ako kasi sigurado na palaging may nagbabantay kay Mama ngayon.”

At least, pareho nang may lovelife sina Lotlot at Janine pati ang kapatid ni Janine na si Jessica. Mag-unahan na lang ang mag-ina kung sino sa kanila ang unang magpapakasal.

Pero sa isang interview, nabanggit ni Janine na matagal pa bago siya mag-asawa. Uunahin muna niya ang kanyang career at natutuwa na inaalagaan siya ng GMA-7. Magagandang project ang ibinibigay sa kanya, gaya nitong Once Again na marami ang sumusubaybay.

“Nakakatuwang magbasa ng comments at feedback ng televiewers. Masaya kami ni Aljur na nagugustuhan ang Once Again at sinusubaybayan ang love story nina Des (Janine) at Aldrin (Aljur). Salamat sa viewers,” sabi ni Janine.

(NITZ MIRALLES)