Lola ni John Legend at Baby Luna

SA unang pagkakataon, nahagkan na ng lola ni John Legend ang anak nila ni Chrissy Teigen na si Baby Luna.

“Granny came from Ohio to meet Luna today,” paglalarawan ni Legend sa litrato ng kanyang lola habang buhat-buhat ang anak na si Luna.

Lumabas din ang litrato sa Instagram ng kanyang ina. Ibinahagi ni Teigen, 30, ang cute na cute na video ng kanyang anak habang sumasayaw sa saliw ng The Beginning ng kanyang ama.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Noong nakaraang linggo, bumisita si Luna sa New York sa unang pagkakataon, at isiniwalat ng kanyang mga magulang sa ET na ang bagong album ni Legend ay maglalaman ng awiting inspirado ng kanilang anak. “I have some new stuff from the next album that I sing to her,” pagbabahagi niya. - ET Online