Alden Maine before leaving Como copy

MAHIGPIT ang yakap sa isa’t isa nina Alden Richards at Maine Mendoza noong gabi ng May 26, sa pag-alis nila sa Como, Italy.

Magkahiwalay kasi ang destinasyon nila, diretso sa Pilipinas si Alden samantalang papunta naman sa Germany si Maine.

Gustuhin man ni Alden na sumama kay Maine o sabay silang umuwi ng Pilipinas, pinairal niya ang pagiging professional. Solo lang siyang umuwi, from Milan-Malpensa International Airport via Muscat, Oman, Middle East to Manila.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Hindi na puwedeng magtagal sa ibang bansa si Alden dahil tapos na ang shooting nila ni Maine at kahapon naman ang 4Elements Fashion Model Search 2016, an event for a cause to help the SOS Children’s Village sa Lipa City, sa Youth & Cultural Center, sa Lipa City Batangas. Nakasama ni Alden ang Kapuso actors na sina Tom Rodriguez at Martin del Rosario.

Kahapon naman, may meet and greet si Alden sa SM City Dasmariñas, Cavite para sa ini-endorse niyang Sterling notebooks.

Pero bago nagkahiwalay sina Alden at Maine, nakapamasyal pa sila sa Switzerland. Nagbiyahe sila by train, dahil malapit lang ang Como, Italy sa Switzerland. Muli silang bumalik ng Como at doon sila naghiwalay.

Sa tweets ng fans nalaman na sa Germany tumuloy si Maine, kasama sina Direk Mike Tuviera at ang scriptwriter ng Eat Bulaga na si Jenne Ferre. Hindi maliwanag kung may kinalaman pa rin sa movie ang pagpunta nila sa Germany. May nakuha naman kaming info na may TVC shoot daw si Maine na gagawin doon, sa direksiyon din ni Direk Mike.

Kaya si Alden, habang nasa Milan-Malpensa airport, lungkut-lungkutan ang picture. Hindi maiaalis sa binata ang ganoong feeling dahil since May 8, araw-araw silang magkasama ni Maine, sabay kumakain at nagtatrabaho.

Ibinuking nga ni Direk Mike ang dalawa sa kanyang Instagram post na: “Maine and Alden seem to have their own language when they’re together. The rest of us just listen until we get the gist.

“They’re almost unseparable except for when they had separate scenes. And sometimes, even then.”

Malaking tanong kung paiiralin pa rin ni Alden ang pagiging professional at magtatrabaho na agad siya sa Eat Bulaga. Kaya mo pa ba? Jet lag pa more, Alden! (NORA CALDERON)