SA kabila ng kasikatan at papuring natatanggap dahil magaling umarte, hindi lubos ang kasiyahan ng kilalang aktor dahil namumublema siya sa kapatid niyang lulong sa masamang bisyo.

Matagal nang problema ng kilalang aktor ang kapatid niyang lalaki na minsan ay sumubok ding mag-showbiz, pero hindi pinalad kaya na-depress hanggang sa nag-asawa at nagkaroon ng maraming anak.

Walang makuhang trabaho ang kapatid ng kilalang aktor dahil hindi naman nakatapos ng pag-aaral kaya umaasa sa sustento ng kuya hanggang sa nagkaroon na ng bisyo.

Hindi nakatagal ang asawa nito kaya lumayas dala ang mga anak. Inabot ng halos tatlong taon nang magkabalikan, pero ilang buwan lang muling nagsama dahil naghiwalay na naman.

Tsika at Intriga

Pinay na nag-steamy dance sa concert ni Ne-Yo, pinagpiyestahan!

Sa ngayon, sagot ng kilalang aktor ang lahat ng pangangailangan ng mag-iina ng kapatid tulad ng upa sa bahay, groceries, pag-aaral ng mga pamangkin, at iba pang mga bayarin at gastusin.

Ang kapatid ng kilalang aktor ay hindi na raw nakikipag-usap sa kuya niya dahil nahihiya at tiyak na mag-aaway lang sila.

Ang tanong daw ng mga kaibigan ng hipag ng kilalang aktor ay kung hanggang kailan sila sasagutin dahil kapag nagkaroon na ng anak ang bayaw niya ay baka matigil na ang sustento nila.

Kaya malaking perhuwisyo talaga sa buhay iyang droga. Sana matigil na ang paglaganap nito sa ating lipunan.

(Reggee Bonoan)