DENNIS AT HEART copy copy

LUTANG na lutang ang chemistry nina Dennis Trillo at Heart Evangelista sa sexy-naughty drama nilang Juan Happy Love Story na napapanood sa primetime ng GMA-7 gabi-gabi. Bawing-bawi nga sina Dennis at Heart sa Twitter na madalas nagti-trending. Nasa second week na ang serye na laging maganda ang feedback.

“Hindi ko po in-expect na tatanggapin ako sa role ko bilang si Happy,” natatawang kuwento ni Heart. “First time ko itong ginawa, alam naman ninyong nasanay akong mag-drama, umiyak at magpaiyak. Kaya na-challenge ako sa role ko bilang si Happy na gustung-gustong makilala ang kanyang knight in the shining armour. Pero thankful ako dahil napakahusay ng leading man ko, at very comfortable akong makasama siya sa mga eksena namin, kahit may pagka-sexy.”

“Ako rin, hindi ko in-expect na ganito pala ka-daring ang mga eksena ko,” napapangiti ring wika ni Dennis. “Kung minsan, natatawa rin ako sa mga pinaggagagawa ko. Iyong halos bawat eksena may kasama akong babae, ginagawa ko iyong alam kong hindi naman tamang gawin. Kaya thankful kami ni Heart na nagugustuhan ng mga televiewers ang mga roles na ginagampanan namin. Sabi nila, for a change daw, kaya naman mas inspired kaming gawin ang mga ipinagagawa sa amin ni Direk LA (Madredejos). At salamat din sa pagsali nila sa Twitter party gabi-gabi.”

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Ayon naman sa avid viewers ng show na nakausap namin, natutuwa rin sila sa roles nina Ms. Gloria Romero, Lotlot de Leon, Gardo Versoza at Nick Lizaso. Marunong din daw palang magalit si Gloria, pero kahit nagagalit o nagtataray kay Lotlot, kitang-kita pa rin ang graciousness. Si Lotlot naman, medyo naiilang daw siyang makipag-away kay Gloria kaya nagso-sorry siya after ng talakan scene nila.

Natawa lang si Lotlot nang tanungin naming kung ganoon din ba siya pagdating ng time na may mamanhikan sa anak na si Janine (Gutierrez), makikipagtalakan sa magiging balae niya kung hindi niya gusto ang mapapangasawa ng anak?

Tiyak na maraming nakaka-relate sa mga eksena sa Juan Happy Love Story lalo na ang mga lalaking mahilig lang mangbiktima ng mga babae at hindi naman seryoso ang panliligaw. Ganoon din iyong mga magpapakasal na pero problema ang kanilang magiging mother-in law. Napapanood ang serye gabi-gabi after ng Once Again. (NORA CALDERON)