CAPAS, Tarlac - Isang 22-anyos na ginang ang hinalay ni Angelito Bacani, 48, may asawa, kapwa residente ng nasabing barangay.

Sa imbestigasyon ni PO1 Jonalyn Tomas, nagkasakit ang ginang at sinamahan ito ng asawa para magpagamot kay Bacani.

Ayon sa report, sinabi ng suspek sa mag-asawa na kailangang manatili ng ginang sa kanyang bahay sa loob ng tatlong araw upang tuluyan itong magamot at pumayag naman ang asawa ng biktima.

Dakong 4:00 ng umaga, nag-iisa sa kuwarto ang ginang, nang ginapang at hinalay umano siya ni Bacani.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Ayon sa report, matapos makaraos ang suspek ay nagbanta pa ito sa ginang na papatayin silang mag-asawa kapag nagsumbong sa awtoridad.

Gayunman, dumulog sa pulisya ang ginang at isinuplong ang panggagahasa umano ng albularyo, na nakapiit na ngayon sa himpilan ng Capas Police. (LEANDRO ALBOROTE)