LONDON (AP) — Halos umabot sa dalawang dosenang atleta ang nagpositibo sa droga matapos ang isinagawang “reanalysis” sa kanilang doping samples mula sa 2012 London Olympics.

Nauna rito, may 30 atleta na sumabak sa 2008 Beijing Games ang nagpositibo sa isinagawang reanalysis ng World Anti Doping Agency (WADA).

Tumanggi muna ang International Olympic Committee (IOC) na pangalanan ang mga atletang nagpositibo, sports na kinaaaniban at ang kanilang lahi.

“The reanalysis program is ongoing, with the possibility of more results in the coming weeks,”pahayag ng IOC.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Ayon sa IOC nitong Biyernes (Sabado sa Manila), lumabas din na “abnormal parameters,” ang samples ang isang grupo na sinusuri mula sa 2008 Beijing Games.

Sakaling maglabas ng opisyal na pahayag ang WADA at IOC, may kabuuang 55 atleta mula sa nakalipas na dalawang Olympics ang posibleng madiskwalipika at bawian ng medalya.

Itinabi ng IOC ang doping samples sa nakalipas na 10 taon para maisailalim sa ‘reanalyzed’ sa makabagong testing method.

Ang kasalukuyang retesting program ay nakatuon sa mga atleta na sasabak sa Rio Olympics sa Agosto 5-21.

“These reanalyses show, once again, our determination in the fight against doping,” pahayag ni IOC President Thomas Bach.

“We want to keep the dopers away from the Olympics Games in Rio de Janeiro. This is why we are acting swiftly now,” aniya.