TONI AT PAUL copy

HINDI namimili si Mommy Pinty kung babae man o lalaki ang magiging apo. Ayon sa ina ni Toni Gonzaga, sa susunod na buwan ay malalaman na nila ang gender ng kauna-unahan niyang apo.

Kuwento ni Mommy Pinty, lalaki ang gusto ni Toni na maging panganay nila ni Direk Paul Soriano. Katwiran ng aktres, dalawa na silang babae ni Alex sa pamilya kaya pangarap naman ni Toni na maging lalaki ang unang anak.

Kabaligtaran naman ang gusto ni Direk Paul, dahil puro lalaki silang magkakapatid ay babae naman ang wish nito na maging panganay nila ni Toni.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Pero ayon kay Mommy Pinty, tanggap nila agad ano man ang gender ang baby na ibibigay ni Lord sa kanila.

Dasal ni Mommy Pinty na maging maayos ang pagbubuntis ni Toni na noong una ay nakikita niyang medyo nahihirapan.

Pero sa tulong ng Diyos, unti-unti namang nakapag-adjust ang singer/actress/TV host.

Kuwento pa ni Mommy Pinty, sobrang maalaga si Direk Paul kay Toni. Halos hindi na nga raw ito humihiwalay sa asawa.

Ano ang pinaglihian ni Toni?

“Parang wala naman yata,” maikling tugon amin ni Mommy Pinty.

Samantala, kahit buntis ay tuluy-tuloy pa rin ang taping ni Toni sa Home Sweet Home. (Jimi Escala)