MAT, RIA AT JOSEPH copy

MAGKAHALONG kaba at tuwa ang nararamdaman ni Ria Atayde dahil ngayong gabi na mapapanood ang unang salang niya sa Maalaala Mo Kaya (MMK) kasama ang dalawa niyang kaibigan na sina Matt Evans at Joseph Marco.

Sinulat namin kamakailan na dream niyang makagawa ng MMK kaya naglulundag siya sa sobrang tuwa nu’ng tawagan siya para gumanap sa kanyang unang episode sa award-winning drama anthology.

Kahapon, ito ang text message ng anak ni Sylvia Sanchez sa amin, “Hi Tita! Good Morning, I just wanted to share I did my first MMK ever this week and it will be airing on Saturday (ngayong gabi). Your support by watching it would mean the world to me. I’m really nervous about it, hu-hu-hu. But super thank you in advance, tita. Hope you get to watch.”

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Sinagot namin siya ng, ‘Yes, we will, goodluck.’

Nag-text back kaagad ang dalaga. “Tita Reggee, grabe! Hindi ako makaiyak at first, as in O tears, part of me feels na parang I was overwhelmed, excited and pressured all at once so parang hirap talaga. Iba pala talaga pag MMK.”

Nabanggit din ng baguhang aktres na nakita naman daw ng direktor na nag-struggle siya sa umpisa, pero sa ikalawang taping day ay sinabihan na siya ng, ‘Ria, that was beautiful. Thank You.’ Hu-hu-hu, naku, sana nga po tita, beautiful talaga.”

Halos iisa naman ang kuwento ng mga artista na bago lang sumalang sa Maalaala Mo Kaya, talagang hindi nila malaman kung ano ang nararamdaman nila sa unang araw ng taping. Kaya nang banggitin ito ng kapatid ni Arjo Atayde, sinabihan namin siya ng, ‘Kaya mo ‘yan. Nakaya ng iba, kaya mo rin.’

Sobrang nagpapasalamat din si Ria kina Matt at Joseph na inalalayan siya at talagang hinding-hindi raw niya makakalimutan ang mga ito.

Magkapatid sina Matt at Joseph sa istorya na parehong nagkagusto kay Ria at ito ang conflict na ayaw nang ikuwento ng dalaga para raw abangan namin ngayong gabi sa ABS-CBN.

Sigurado na hindi lang kami ang mag-aabang kundi marami pang iba.

Goodluck, Ria! (REGGEE BONOAN)