Hiniling kahapon ni Senator Jinggoy Estrada sa Sandiganbayan na payagan siyang dumalo sa ika-84 na kaarawan ng kanyang ina sa susunod na buwan.

Sa kanyang mosyon na isinumite sa anti-graft court, hiniling ni Estrada na mabigyan siya ng hukuman ng apat na oras mula 8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali sa Hunyo 4 upang makadalo sa kaarawan at thanksgiving mass ng kanyang inang si Dra. Loi Ejercito, na gaganapin sa No. 409 Shaw Blvd., Mandaluyong City.

“For all the years of accused's life the Estrada family have been always together on this special occasion except last year when accused was not allowed by court. (Estrada) now makes the appeal to the Court with hope that the Court and the prosecution will understand the humanitarian need for a family to be together with friends on this occasion,” bahagi ng mosyon na iniharap ng abogado ni Estrada sa korte.

Si Estrada ay kasalukuyang nakakulong sa Philippine National Police (PNP) Custodial Center sa Camp Crame kaugnay ng kinakaharap na kasong plunder dahil sa pagkakasangkot sa pork barrel fund scam.

National

Bagyong Nika, nakalabas na ng PAR

Inakusahang kumita ng P183.793 milyon si Estrada dahil sa paggamit ng kanyang ‘pork’ fund sa mga ‘ghost project’ sa pamamagitan ng umano’y pakikipagsabwatan sa non-government organization (NGO) ni Janet Lim-Napoles noong 2004-2012.

(Rommel P. Tabbad)