Maaaring makaapekto ang pagkain ng patatas sa blood pressure, ayon sa isang bagong pag-aaral.
Ang mga taong kumakain ng apat, o mahigit pa, na serving ng patatas kada linggo ay 11 porsiyentong mas mataas ang posibilidad na magkaroon ng hypertension, kumpara sa mga tao na hindi bababa sa isang serving ang kinakaing patatas kada buwan, ayon sa pag-aaral.
Ngunit nananatiling hindi malinaw ang epekto ng pagkain ng patatas sa blood pressure, ayon sa pag-aaral na inilathala nitong May 17, sa The BMJ journal.
Maiisip na tila imposibleng magdudulot ng masama ang pagkain ng patatas dahil taglay nito ang mataas na level ng potassium, isang uri ng mineral na nakapagpapababa ng blood pressure, at may mataas na glycemic index (ibig sabihin, pagkatapos kumain ng patatas, agad na tataas ang blood sugar levels), ayon sa mga author ng pag-aaral.
Ang pagkilatis sa uri at dami ng pagkain ng patatas ay matinding pagsubok sa nutrition studies, ayon sa editorial na isinulat ni Dr. Mark Harris, general medicine professor sa University of New South Wales sa Australia.
Gayunman, sa halip na tingnan at suriin ang pagkain isa-isa, mas mahalagang bantayan ng bawat isa ang overall diet, ayon kay Harris. (Yahoo News /Health)