MAINE AT ALDEN copy

MAY 25 nag-last shooting day sina Alden Richards at Maine Mendoza sa Italy ng first solo movie nilang Imagine You & Me. Sa kalyeserye nang hapong iyon sa Eat Bulaga, ipinakita nina Maine at Alden ang video ng mga Italyanong kasama nila sa production.

Napaka-humble naman para sa amin ng mga Italyano na inakala tuloy ng fans na sila ang mga ‘Rogelio’ nina Alden at Maine, tulad ng mga bodyguards ni Lola Nidora (Wally Bayola), pero hindi naman pala kundi unit manager at production assistants na tumulong sa APT Entertainment, Inc. At the same time, tumutulong sila para sa crowd control at pangangalaga sa sa

fety ng cast ng movie. 

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Sila ay sina Matteo Barletta, Massimo Bellas o si Max na siyang nag-alaga kay Maine pagdating pa lamang nila sa Malpesan Airport sa Milan, Italy; Fabrizzo “Rambo” Rappezi, Marcello Merlitto, Marcus Leoniddi, Giovanni Milano at ang nag-iisang babae sa grupo na si Micol Lupi na tinuruan ni Alden kung paano kumain ng butong pakwan. 

Ayon kina Maine at Alden, mababait at hardworking silang lahat.

Naitawag din ni Maine kay Lola Nidora na magkakaroon sila ng pictorial at presscon para sa isang Italian magazine na kinuha silang cover. Ibinigay na nina Alden at Maine ang natitira nilang oras sa fans sa shooting para makausap sila at maibigay ang mga regalo sa kanila. 

Sinagot na rin nila ang mga tanong ng fans tungkol sa kanilang dalawa. Isa sa mga ito ang nagtanong kay Alden kung gaano niya kamahal si Maine, at ang sagot ng binata, “molto”. Nagtilian ang fans dahil ang ibig sabihin pala ng Italian word na molto ay “so much.” 

Ano ang pagkakilala niya kay Maine?

“She is the sweetest girl I’ve ever met,” sagot pa ni Alden.

May fans na nag-request kay Alden na kung magkakaroon siya ng show sa Italy, sana ay isama niya si Maine. Nalaman kasi nilang dumating sa Italy ang Red Productions, ang producer ng successful three-day “Bae In The City Concert” nina Alden at Rocco Nacino sa Canada. Muli silang nagkita ni Alden at nakilala na rin nila nang personal si Maine. 

Ayon sa producer, naghahanap sila ng magandang venue para sa concert sa Italy. Sana raw ay kasabay ng showing doon ng movie ang concert na gagawin nila roon.

Kahapon ay 45th weeksary celebration nina Alden at Maine at malamang in transit ang dalawa dahil kahapon sila umalis sa Italy pabalik ng Pilipinas, by Oman, Middle East.

Titingnan natin kung mayroon silang updates ng kanilang celebration. (Nora Calderon)