Isang lalaki ang nasawi makaraang pagsasaksakin ng dalawang kapatid ng kanyang live-in partner matapos makita ng mga ito na may black eye ang kanilang kapatid, sa Port Area, Maynila, nitong Linggo ng gabi.

Hindi na umabot nang buhay sa Gat Andres Memorial Medical Center si Rex Osi, 34, miyembro ng Commando Gang, at residente ng ng Area B, Gate 10, Parola Compound, dahil sa mga tinamong saksak sa katawan.

Samantala, pinaghahanap naman ng mga awtoridad ang magkapatid na suspek na sina Alfredo Nolasco, 22; at Alvin Nolasco, 19, kapwa istibador, at residente rin sa naturang lugar.

Batay sa imbestigasyon ni SPO2 Charles John Duran, dakong 10:30 ng gabi nang sugurin ng magkapatid si Osi sa Pier 2, sa APEX Compound sa Port Area.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Nauna rito, nagtalo ang biktima at ang live-in partner nitong si Arlyn Nolasco sa hindi nabatid na dahilan hanggang nakita ng mga suspek na may black eye si Arlyn at naniwala silang kagagawan ito ng biktima. - Mary Ann Santiago