Isang 65-anyos na lalaking nakibahagi sa isang biking activity sa Roxas Boulevard sa Maynila ang nahulog sa kanyang bisikleta at namatay sa kalagitnaan ng karera nitong Linggo.

Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Virgilio Panguluyan, ng Malibay, Pasay City.

Sakay si Pangulayan sa kanyang bisikleta dakong 11:00 ng umaga para sa Robust Bike Challenge Manila 2016 sa harap ng Diamond Hotel sa Ermita nang bigla siyang mawalan ng malay at mahulog sa kanyang bisikleta habang nakikipagkarera.

Isinugod siya sa Ospital ng Maynila ngunit hindi na siya umabot nang buhay.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sinabi naman ni Detective Jonathan Bautista, ng Manila Police District (MPD)-Homicide, na may sakit sa puso si Panguluyan, batay na rin sa salaysay ng anak nitong si Arnel, 32 anyos.

Ayon kay Arnel, paborito ng kanyang ama ang magbisikleta at hindi tumigil sa kinahihiligan kahit na nagkasakit na sa puso. - Jenny F. Manongdo