Robin at Mariel

Ni REGGEE BONOAN

KUMPIRMADONG tatlong buwan nang buntis si Mariel Rodriguez kaya naman ilang araw siyang hindi napanood sa It’s Showtime at nitong nakaraang Sabado lang niya ini-announce sa programa ang magandang balita.

Ang post ni Mariel sa kanyang Instagram noong Sabado, “Thank you Showtime family!!!!!!! we are going to have a baby!!!!! I’m pregnant!!!! pls include us in your prayers!!!!!! thaaaaaaank you.”

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Tinext namin si Mariel habang umeere ang Showtime at tinanong siya kung ilang buwan na ang dinadala niya. Ang sagot ng esposa ni Robin Padilla, “3 months, thanks, Regg.”

Gabi ng Biyernes, bago inihayag nina Mariel at Robin sa Showtime ang good news ay nag-dinner date muna sila. “Love you so much!!! Thank you for making everything special!!! I love you babe! This was last night before our baby announcement today,” post pa ni Mariel.

Nag-post naman si Robin sa IG noong Sabado rin.

“Bismillah Ano nga ba ang masasabi ko? Siguro unahin ko muna sa inyong lahat. Nais ko magpasalamat sa lahat ng host, staff crew at audience ng Showtime sa pagbibigay ng kaligayahan sa aking Mariel. Dumating kayo sa buhay niya sa oras ng kanyang matinding kalungkutan.

“Kayo ang naging hudyat para harapin niya ang umaga nang may ngiti at pag asa, araw-araw ala-6 pa lang ready na siyang maging host niyo, kaibigan at kapamilya. Nagsilbi po kayong milagro sa kanya sapagkat ang katotohanan po ay nagkaroon ng posibilidad na hindi na siya magkaroon ng supling.

“Tunay po na nabuntis si Mariel dahil sa Showtime, naramdaman n’ya po ang pag aalaga niyo sa kanya, si Insan Amy (Perez Castillo) na laging may lutong pagkain para sa kanya, si Vice (Ganda) na laging nagpoprotekta sa kanya, si Vhong (Navarro) na lagi pinapaalala ang boses ko, si Billy (Crawford) na nagbigay ng iba’t ibang kulay sa amin, si Anne (Curtis) at Karylle (Yuzon) na naging mapagbigay sa kanya, si Jugz at Teddy sa pag-alalay sa kanya, sa lahat ng staff at crew na umaalalay sa maselan niyang pagbubuntis at kay Direk na in-exempt muna sa kanya kapag may principals office at higit sa lahat sa inyo madlang people sa paniniwala sa aking Mariel.

“To make the story short, kayo pong lahat ang nagpupuno ng aking mga pagkukulang sa aking asawa at magiging anak. Kayo pong lahat ang tumayong ama sa oras ng ako’y abala sa rebolusyon.

“Hindi ko po aangkinin na ang batang ito ay anak ko lamang sapagkat ang partisipasyon ko sa kanya ay sa sarap lamang, kayo pong lahat ang kasama ng aking Mariel sa kanyang mga sakripisyo sa pagbubuntis na ito kaya’t mas mamarapatin kong tawagin ang batang ito na Showtime Baby. Muli po tanggapin niyo po lahat ang aking malalim na pasasalamat.”

Dahil Showtime Baby ang tawag ni Robin sa magiging anak nila ni Mariel, na-curious tuloy kami kung ano ang ipapangalan nila sa bagets.