Naghihimas ngayon ng rehas na bakal ang isang 20-anyos na lalaki matapos niya umanong molestiyahin ang isang paslit habang nasa impluwensiya siya ng alak sa Quezon City, nitong Biyernes ng umaga.

Nakapiit ngayon sa Quezon City Police District (QCPD) Galas Police Station 11 si Jhon Jhon Laguitan, ng 630 G. Araneta Avenue, Barangay Tatalon, Quezon City.

Ayon sa imbestigasyon, mahimbing na natutulog sa silid ang biktima nang pumasok ang suspek, na umano’y lasing, dakong 1:00 ng umaga nitong Biyernes.

Sinabi ng pulisya na nagising ang bata habang tinatanggal ni Laguitan ang kanyang damit at hinihimas ang maseselang bahagi ng biktima.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Hinuhubad ng suspek ang kanyang pantalon nang makatakbo ang paslit palabas ng silid at nagsumbong sa kanyang ina na agad na humingi ng tulong sa pulisya.

Nahaharap ngayon sa kasong rape ang suspek sa Quezon City Prosecutors’ Office. - Francis T. Wakefield