NAKAKATUWA  si Isabelle de Leon, nagugulat siya na hanggang ngayon ay may mga tumatawag pa rin sa kanya ng Duday, ang karakter niya sa sitcom nila ni Vic Sotto na Da De Di Do Du. Hindi rin siya makapaniwala na may mga nakakaalala pa sa kanya bilang si Helen sa pelikulang Magnifico  na pinagsamahan nila ni Jiro Manio.

Isabelle de Leon“Ganu’n ba talaga kalaki ang impact ng Da De Di Do Du at Magnifico? May tumatawag pa rin sa akin ng Duday at minsan Helen. Nakakatuwa na hindi nila nakakalimutan ‘yun. Sana tumatak din sa kanila ang karakter kong si Sofie sa Magkaibang Mundo,” wish ni Isabelle.

Samantala, first time magkokontrabida ni Isabelle sa Magkaibang Mundo  na pilot na mamaya pagkatapos ng Eat Bulaga sa GMA-7. Inamin niya na nahirapan siya noong una at malaking tulong ang suporta ng kanyang co-actors.

“Nagso-sorry ako in advance kay Louise (delos Reyes) dahil siya ang aapihin ko rito. This is something new for me. This role is quite challenging... because it’s my first time  to portray a villainess. I started acting when I was 4 years old and I’ve always played the protagonist, but I’m excited to give life to Sofie’s character and see the world in a different perspective,” pahayag ni Isabelle. --Nitz Miralles
BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas