BARBIE copy

WOW! Tiyak ikatutuwa mo ito, Mr. Editor dahil ang isa sa paborito mong young actress, si Barbie Forteza, at 18, ay umamin nang boyfriend niya si Kiko Estrada.

Hayan, na hindi na natin siya bibiruin kung kailan naman siya magkakaroon ng lovelife, kung ano ang gusto niya sa magiging boyfriend niya, at kung may nanliligaw na ba sa kanya?

Sa July 31, Barbie will turn 19 na at seryoso pala talaga si Kiko, nang makausap namin siya habang ginagawa pa nila ni Barbie ang That’s My Amboy, na liligawan niya ang dalaga. Kaya tanong namin sa kanya noon, paano si Kim Rodriguez na sabi’y girlfriend niya. Wala raw katotohanan iyon, best friends lang sila ni Kim simula pa noong magkasama sila sa unang drama series nila.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

Si Barbie naman, ang biro sa kanya, hindi ba tutol kay Kiko o sa sinumang manliligaw niya ang kanyang parents? Hindi raw mahigpit sa kanya ang parents niya at sa katunayan ay ang mga ito pa ang nagtatanong sa kanya kung may nanliligaw na ba sa kanya o baka may boyfriend na siya.

Wala naman talagang nanliligaw sa kanya noon, lalong wala siyang naging boyfriend, iyong iba ay ini-link lang sa kanya pero hanggang doon lang. Kahit more than two years din silang nagkasama ni Andre Paras, naging close friends lang sila talaga, dahil priority naman ni Andre ang studies at career nito.

Kaya nang ma-corner na si Barbie ng mga kaibigang press, hindi na siya nakapag-deny na sila na nga ni Kiko. 

Hindi na namin inalam kung kailan niya sinagot si Kiko. Basta happy kami kay Barbie na nakita na naming lumaki at nagdalaga sa showbiz na hindi man lamang nagbago ang mabuting pag-uugali. Kung may nabago kay Barbie, ito’y naging isa na siyang mahusay na aktres. 

Dalawang beses na siyang nakatanggap ng acting award, una bilang best supporting actress sa Marquina in 2014 at recently bilang best actress sa Laut na nanalo sa international film festival sa Portugal.

Wish namin ang sweet lovelife for Barbie at sana ay hindi siya paluhain ni Kiko na nagsabi noon sa amin na talagang mahal niya ang dalaga kaya liligawan niya. At niligawan nga ng diyaske! (NORA CALDERON)