Umaasa si dating IBF light flyweight titleholder Johnriel “Cuadro Alas” Casimero na magiging patas ang mga opisyal na mangangasiwa sa kanyang rematch kay reigning IBF flyweight titleholder Amnat Ruenroeng na gaganapin sa Mayo 25, sa Diamond Court, Beijing, China.

Napuno ng kaduda-dudang officiating ni American referee Larry Doggett ang una nilang laban noong Hunyo sa balwarte ni Ruenroeng sa Thailand. Tinawagan ang Filipino fighter ng knockdown matapos siyang itulak ng hometown fighter sa lubid habang hindi man lang pinansin ni Doggett ang knockdown na ginawa niya sa kampeon sa ikatlong round.

Kasalukuyang nasa ikatlong araw na ang IBF Convention sa Beijing at maraming opisyales ng samahan ang sasaksi sa laban nina Ruenroeng at Casimero kaya inaasahang hindi na maaari ang maruruming taktika ng Thai champion na dapat nitong ikinadiskuwalipika sa unang laban nila ng Pinoy boxer.

May rekord si Ruenroeng ng perpektong 17 panalo, kabilang ang limang knockout, habang tangan ni Casimero ang markang 21-3-0, tampok ang 13 knockout. (Gilbert Espena)

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!