CAIRO (AFP) – Pinaigting pa ang malawakang paghahanap nitong Huwebes sa wreckage ng isang eroplano ng EgyptAir na bumulusok sa Mediterranean sakay ang 66 katao, na ayon sa Egyptian authorities ay maaaring isang terorismo.

Sinabi ng aviation minister ng Egypt na habang masyado pang maaga para sabihin kung bakit naglaho sa radar screens ang Airbus A320 na lumilipad mula Paris patungong Cairo, mas malaki ang tsansa na ito ay isang “terrorist” attack kaysa technical failure.

Ang trahedya ay nagtaas ng pangamba sa pagkakaulit ng pambobomba sa isang Russian passenger jet ng grupong Islamic State (IS) sa himpapawid ng Egypt noong Oktubre na ikinamatay ng lahat ng 224 na kataong sakay nito.

Naglaho ang eroplano sa gitna ng Greek islands at Egyptian coast, nang walang ipinadalang distress signal ang mga crew nito.

Internasyonal

Bangkay ng Pinay OFW, natagpuang nabubulok na sa bakuran ng Kuwaiti national

Sinabi ni Greek Defence Minister Panos Kammenos na dalawang beses na lumihis sa Egyptian airspace ang eroplano bago bumulusok ng 22,000 talampakan at naglaho sa radar screens.