ALODIA GOSIENGFIAO copy

BAGAMAT internationally-known cosplayer at modelo si Alodia Gosiengfiao, kagaya ng maraming kabataan ay problema rin niya ang acne o taghiyawat.

Isa si Alodia sa maraming kabaatan na tinutulungan ni Dr. Vicki Belo at ng Belo Medical Group. Hindi kaila na ang problema sa taghiyawat noong kabataan niya ang nagtulak kay Dr. Belo upang magsaliksik para makahanap ng permanenteng solusyon laban sa problemang ito sa balat na patuloy na gumagambala sa kabataan.

Ngayon, pagkaraan ng mahigit 26 na taon simula nang itatag ang BMG, hawak ni Dr. Belo ang karangalan ng pagkakaroon ng pinakamoderno at kumpletong linya ng treatment para sa acne at acne scars – mula sa iba’t ibang mga produkto, facial at peels, laser light therapy hanggang sa RF treatments. Ito ang kahusayang nagtatangi sa BMG na hindi taglay ng kanilang mga katunggali.

Human-Interest

'Deserve mong i-flex anak!' Bakit nga ba naiyak ang isang guro sa regalo ng isang pupil?

Kaya, tuwing sinasabi ng BMG na alam nila kung paano labanan ang acne at acne scars, asahang kaya itong talunin gamit ang Customized Belo Acne Program. At ito ay hindi makikita kahit saan. Nakagawa ang BMG ng Customized Belo Acne Program na kayang lunasan ang moderate hanggang severe acne problems na karaniwan namang hindi nasosolusyonan ng over-the-counter medications.

Matagal nang tinutulungan ni Dr. Belo si Alodia sa problemang ito at ang paliwang ng doktora, “Effective management of acne requires a combination of treatments. Our customized acne treatment program will have the patient undergo assessment from our expert doctors first, and then products and services can be combined to tailor-fit the needs of the patient depending on the severity of acne problem. We can promise clear skin in only 8-12 weeks and you can say goodbye to those ugly, bumpy and painful acne.”

Tanging papuri lamang ang masasabi ni Alodia para kay Dr. Belo at sa clinic nito sa patuloy na kahanga-hangang pag-aalaga sa ngayo’y napakaganda nang kutis niya.