STA. ROSA, Nueva Ecija - Siyam na tama ng baril ang tumapos sa buhay ng isang 45-anyos na kontratista makaraang pagbabarilin ng hindi kilalang suspek sa likod ng CVC Building sa Barangay Rizal sa bayang ito, nitong Martes ng umaga.

Kinilala ng Sta. Rosa Police ang biktimang si Emelito Soliman y Ramirez, may asawa, ng Primavera Homes, Bgy. Sumacab, Cabanatuan City.

Sa imbestigasyon ni PO2 Daniel Villanueva, dakong 11:15 ng umaga nang sundan ng suspek si Soliman na noon ay kabababa lang sa sasakyan at binaril sa likod.

Nakatakbo pa si Soliman pero inabutan sa likod ng CVC Building at doon pinagbabaril.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Inaalam pa ang motibo sa pamamaril. (Light A. Nolasco)