Ela at Leonardo copy

Sinamantala ni Leonardo DiCaprio at ng Polish model na si Ela Kawalec ang magandang lagay ng panahon sa New York City nitong nakaraang linggo sa pagbibisikleta sa iba’t ibang parte ng siyudad. 

Ang bagay na bagay na magkasintahan ay namataang nakasakay sa Citi Bikes sa Big Apple nitong Huwebes. Si DiCaprio ay nakasuot ng gray polo shirt, pantalon at backwards baseball hat, habang si Kawalec ay nakasuot ng puting shirt, kupas na pantalon, itim na leather jacket at gray beanie. Namataan din ang dalawa na magkaakbay habang naglalakad.

Isang gabi bago iyon, lumabas sina DiCaprio at Kawalec para maghapunan sa Bodega Negra restaurant. Ayon sa Page Six, namataan si DiCaprio at ang kanyang now-signature vape pen sa nasabing restaurant habang si Kawalec ay “glued to her phone.” 

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Pagkatapos maghapunan, dumalo ang magkasintahan sa isang birthday celebration sa N.Y.C. nightclub Marquee. 

“They were dancing. Leo was dancing with her in his arms and canoodling. They were doing their thing, bumping and grinding,” pahayag sa Page Six ng isang saksi.

Hindi naman nagbigay ng komento ang tagapagsalita ni DiCaprio.

Ngayong linggo, si DiCaprio, 41, ay nasa France, wala si Kawalec, sa pagdiriwang ng 2016 Cannes Film Festival. Noong Biyernes, nagbahagi ng litrato ang singer na si Sevyn Streeter sa Instagram kasama sa party ang Revenant actor at may caption na. “Legend. #NightsInCannes.” (People/Yahoo News)