Alden at Maine sa Verona copy

PASPASAN na ang shooting nina Alden Richards at Maine Mendoza ng first solo movie nilang Imagine You & Me (working title) sa Italy. Araw-araw ay nakikita sa napakaraming posts sa social media ang shooting ni Direk Mike Tuviera na tinutulungan ng ilang Ilalian filmmakers, pero wala silang ipinakikitang eksena ng movie na ipalalabas para sa first anniversary ng AlDub love team sa July.

Wala na ring updates na nakikita ang fans, kundi mga photo-ops nila with Alden at Maine. Kahit pagod at halos wala pang tulog, ay magiliw silang kinakausap ng dalawa. Medyo mahirap mag-adjust sa oras dahil ahead ang Pilipinas ng six hours sa Italy. Kaya iyong bagong gising pa lamang sila, lunch time na rito sa atin.

Kahapon, lumipat na sina Maine at Alden sa Verona, ang tinawag na City of Romance, ang setting ng tragic love story na Romeo & Juliet na sinulat ni Wiliam Shakespeare. Ipinakita nila ang balcony ng bahay ni Juliet na dinarayo ng mga turista, na iyong lovers na bumibisita sa Casa de Guiletta (Juliet’s house) ay naglalagay ng love lock sa gate ng bahay na sumisilbolo ng ‘security’ ng love nila sa isa’t isa. Ginamit kaya nila ito sa movie?

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Bago kasi sila umalis sa kanilang 42nd weeksary sa kalyeserye, niregaluhan ni Alden ng love lock si Maine at ibinilin niyang dalhin ito sa Italy, may gagawin daw sila sa love lock. Ewan lang kung personal ito para sa kanilang dalawa.

Ngayong Martes ng umaga, darating na sa Italy si Jasmine Curtis Smith na makakasama sa movie. Natatandaan namin, nang mag-sign ng contract si Alden sa APT Entertainment, Inc., last year, nag-sign din ng one movie contract si Jasmine sa kompanya at sila ang magtatambal sa isang movie na ipu-produce ni Mr. Tony Tuviera.

Pero that time, wala pa ang AlDub, hindi pa nabubuo ang phenomenal love team.

Since may one movie contract na si Jasmine sa APT, minabuti nilang ito na ang time para matuloy pa rin ang pagsasama sa project ni Alden at ng young actress. 

Hindi pa namin alam kung third party sa story si Jasmine, pero sabi ay maganda ang role na gagampanan niya. At siguradong hindi naman gagawing kontrabida si Jasmine sa story. (Nora Calderon)